Ang puno ng siglang si Clarice Krizaiah Sesante ng Kamalig, Bolho ay naniniwalang walang imposible sa taong may pangarap. Dala ang pabaong pagmamahal at sermon ng kaniyang Itang at Inang bago lumuwas sa sentro upang mag-aral, bitbit niya ang hangaring maging manggagamot para sa kapatid niyang may karamdaman. Ngunit sa pagdating ng hindi niya inaasahang si Arion Evid Azores ay mararanasan niyang isugal ang lahat. Husto bang ilubog ang kaniyang mga paa sa malabong tubig ng tadhana? O tuluyan lang siyang malulunod sa mabagsik na agos ng pagmamahalang ipinangako ng binata? Lrameina 2022 Dew Series #2
1 part