Pag naiisip niyo yung salitang play, ano agad ang pumapasok sa isip niyo? Laro. E pag playboy naman? Mga pinaglalaruang puso ng maraming kababaihan. Ibahin naman natin ang kwentong ito kasi sa panahon ngayon hindi lang naman mga lalake ang pwedeng maglaro, kaya na din ng mga kababaihan. At isa na nga dun si Princess Dianna Estefania Gonzales Serra, siya ay hindi katulad ng mga tipikal na babae na pag iniwan ng boyfriend ay iiyakan at magmamakaawang balikan. Dahil siya lang naman ata ang isa sa mga babaeng kayang maglaro sa mga puso ng mga lalake. Pero kahit ganun si Dianna, hindi siya ang nangiiwan. Hindi kasi siya nagsasayang ng oras sa mga taong di siya kayang panindigan. Pag once na umalis yung mga naging boyfriend niya wag na silang umasang makakabalik sila sa kaniya. Because for her? GOODBYE IS GOODBYE! PERIOD!