Sa papil ni cherry Ferrell bilang isang ina. Naging mahirap sa kanya magdisisyon na tumayong ina sa batang hindi naman niya kadugo. Sa edad niyang 19 na taong gulang ay naging ina na siya at nakatapos sa kursong secretarial. Nag mula siya sa isang bahay ampunan, naglayas siya sa idad na 15 anyos dahil sa kalupitan ng ibang nagaalaga sa kanila. Namasukan siya sa isang karenderya sa umaga at nag aaral sa gabi. hanggang nakapatapos ito ng computer secretarial. Nakilala niya rin sina jenny at karen sa karenderya at naging magkaibigan sila. Yun nga lang hindi alam ni cherry na nagtatrabaho pala si karen sa bar kapag gabi ang akala niya ay nag aaral ito, matanda sa kanya ang babae ng dalawang taon. Si jenny naman silbidura parin pero gustong magtrabaho sa isang bar ng nalaman nito na malaki ang kinikita ng mga babae sa bar. May pangarap din si Jenny sa buhay kahit hindi siya nakapagtapos ng pag aaral. Nalaman ni cherry ang pagdadalang tao nin karen at ang ama ng dinadala nitong bata ay isang mafia boss. Dahil sa takot ni karen na malaman ng mafia boss na buntis ito ay gustong ipalaglag ang bata sa sinapupunan. Pero ayaw ni cherry hindi niya hinayaang mangyari iyon. Habang lumalaki ang tiyan ng kaibigan niya, unting unting pumapayat si karen at nalaman niyang may cancer pala ang kaibigan at stage 4 na ito. Nang maipanganak na ni karen ang bata iyon naman ang pagkasawi ng buhay ni karen Kaya si cherry ang tumatayong ina ng bata. Kaya niyang gawin ang lahat para lang mailigtas ang anak sa sakit na may brain tumor. Takot si cherry na mawala sa kanya ang bata. Kaya gumawa siya ng paraan, kahit ano basta kaya niyang suongin..Todos os Direitos Reservados