Sa loob ng napakaraming taon, nagtagumpay ang Bakunawa na kainin ang anim na buwan, upang dalahin sa ilalim ng dagat, nang isang buwan na lamang ang natitira ay lumusad ang buwan sa lupa bilang tao at doon nagtago, nagka-asawa at nagka-anak.
Ngunit, malapit nang matunton ng Bakunawa ang huling buwan, kaya muli siyang bumalik sa langit.
Ngayon, naiwan ang kanyang mag-ama sa lupa, kasama ang angkan na nais paslangin ang halimaw.
Mapapaslang ba nila ang halimaw?
Anong parte ang gagampanan ng anak ng huling liwanag sa istoryang ito?
Halina at alamin, ang kwento na tungkol sa Bakunawa, mga buwan, at sa batang may dugong liwanag at mandirigma.
Pasukin natin ang mundo ng mga Bantay Bulan.
simula : August 17, 2022
tapos : March 1, 2023
||matataas na rankings na naabot ng BB
August 23, 2022
#1 liwanag
#2 mandirigma
#5 bakunawa
#5 mitolohiya
#6 buwan
SIDAPA- isang diyos na limot ng mga tao ngunit naglalakad pa rin sa ibabaw ng mundo.
Taga-sundo- iyan ang madalas na itawag sa kanya. Tagahatid sa kabilang mundo. Taga-kuha ng espirito. Taga-habol sa mga dapat ng tumawid na nananatili sa mundo. Minsan siyang nagmahal, ngunit dahil siya ang kamatayan, lahat ng kanyang naisin ay nawawala rin sa huli... hanggang sa dumating siya isang araw.
Sa digmaang nagaganap na lingid sa kaalaman ng mga tao, kailangang mamili ng balanse ng mundo. Ang diyos ng kamatayan ang maghuhudyat ng simula, ayon sa alamat. Kanino papanig ang diyos ng kamatayan? Kung ang buhay ng huling minamahal ang nakataya sa gitna?