Akala ko simple lang ang buhay. Isang mundong puno ng mga mapagmahal at mabubuting tao. Pero mali. Ninakaw nila sa akin ang lahat. Ang malinis na puso ng musmos na bata. Ang inosenteng isipan nito. at simula ng araw na iyon, binuksan nila ang daan papuntang impyerno. Hahanapin ko sila. Dadalhin ko sila sa dagat ng apoy. Gagawin kong miserable ang buhay nila. Handa na ko at walang makakapigil sa akin.