Paano kung isang araw makita mo ang taong mahal na mahal mo ng sobra na nakahiga sa sahig, walang malay, hindi humihinga, hindi tumitibok ang puso... at patay na? Paano kung isang araw bigla na lang siyang maaksidente, masaksak at mamatay ng biglaan? Paano kung isang araw malaman mo na lang na wala na ang taong mahal mo ng sobra? Anong gagawin mo? Sabi nila, hindi daw natin alam kung anong meron tayo hangga't hindi ito nawawala sa'tin. Pero sabi naman ng iba, alam natin kung anong meron tayo. Hindi lang natin akalaing mawawala sila sa'tin. Merong mga taong sadyang mapagpahalaga. Marunong mag-alaga at magbigay ng atensyon at oras. Pero meron ding mga taong kahit gaano nila kamahal ang tao, nagkukulang sila. Hindi nila nabibigyan ng sapat na atensyon at oras dahil hindi nila alam na nagkukulang na pala sila. Hindi natin alam kung kailan tayo kukunin, kung kailan tayo mawawala. Hindi natin alam kung hanggang kailan nandyan ang mga taong nasa paligid natin. Expect the unexpected sabi nga nila. Kaya pahalagan natin ang mga taong mahal natin. Pahalagahan natin ang mga taong handang maglaan ng oras at atensyon sa'tin. Maaring minsan masasaktan natin sila, maaring minsan mababalewala natin ang ginagawa nila. Pero wag sana natin kakalimutan ang pagmamahal nating ipinangako sa kanila. Iparamdam mo na mahalaga ang bawat segundo ng buhay ninyong dalawa. Iparamdam mong kaya mong ibigay ang pagmamahal na gusto niya at hiling niya habang nandyan pa siya. Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo nandito sa mundo... kaya sana, pahalagahan natin ang bawat atensyon na ibinibigay sa'tin ng ibang tao. 💃MahikaNiAyana This Story written in TagLish