Sa apat na taon ko sa high schooI, pinakamasaya dito ay ang ikaapat na taon. Sa taong ito, halos lahat ng nasa klase namin ay kilala o kabarkada ko na dahil na rin sa nakalipas na 3 taon. At sa dinami-rami
sa sa mga pinakaimportanteng parte ng nangyari sa high school life ko, kabilang na dito ang pinakaunang araw ng klase noong 1st year, ang pag-“dogpile” naming sa isang kaklase nung 2nd year na halos hindi na siya makagalaw ng ilang minute, ang panahon na muntik na kaming ipadala sa
principal dahil sa paglalaro ng Monopoly Deal, mga gala naming ng mga kabarkada, prom, aming pagtatapos, at iba pa, pero bukod tangi dito ang aming research/investigatory project.
Habang ang mga proyekto ng ibang grupo ay nangangailangan pa ng mga laboratyo at mga aparato, sa amin ay pwede na sa isang medyo may-kalakihang bakuran. Kapag tinanong ng mga kaklase naming kung tungkol saan ang aming proyekto, kadalasan ay nandidir sila dahil ang proyekto namin ay may kinalaman sa paghahalungkat ng uod mula sa pinaghalong lupa, dumi at iba’t ibang material. May panahon pa na itinapat namin ang mga uod na may mga dumi at lupa pa sa bibig ng iba naming kagrupo. Nalaman din namin na may kagrupo pala kami na may gusto sa isa pa naming kagrupo kung kaya’t inililibre niya ito ng pamasahe parati (Note: Lalaki kami lahat sa grupo at ang lalaking nagugustuhan ay may girlfriend na). May pagkakataon rin na halos lahat sa amin ay may tae ng manok sa kamay dahil kailangan namin silang kuhain upang timbangin. Kung saan-saang mga lugar din kami napadpad (at naligaw) na nagdulot na nagpatibay sa aming pagkakaibigan
Noong kalagitnaan ng 2nd quarter, halos lahat ng mga estudyante ay patapos na samantalang kami ay nagcacram dahil pumalya kami nung simula, na epekto naman ng pagiging tamad namin at pagsasawalang bahala. Sobrang kinakabahan kami nun pero buti na lang ay maunawain ang aming guro.
Moral of the story? Huwag maging tamad upang makuha ang hinahangad.