Nag-transfer si Earl Mendez sa isang Private school dahil sa kakulitang taglay nito. Nang magsimulang lumipat si Earl, Tila nabawasan ang kanyang pagiging makulit at pasaway. May nakilala rin syang mga kaibigan na sina Tyler Jace, Alexander Fu-ther, Kevin Durian, Vaughn Dat at si Kenny Rogers. Nagbago ang Buhay ni Earl at tila ikinagulat ito ng magulang nya at mga kapatid nya. Tila natuwa naman ang Magulang nito dahil sa magandang ideya na ilipat sya sa paaralang ito. Ngunit isang araw tila nagbago ang pakikitungo ng mga kaibigan nya at ng mga kakilala nya sa paaralan. PANGHUHUSGA, PAGKUKUMPARA, PINAGUUSAP-USAPAN na tila ikinawasak ng kanyang puso.May magagawa pa ba si Earl kung paano nya ito maibabalik ang dati? Yung Dating masaya? Yung dating magkakasama sila? Tumungo si Earl sa ibang bansa upang ayusin ang wasak na puso pero hinding-hindi nya makakalimutan ang paghihirap sa kanya ng mga kaibigan nya o ng kakilala nya.