Unang araw pa lamang sa paaralan Alam ko na ako ay mahihirapan Wala nga rin akong lubusang kilala Dahil di ko kasama aking barkada. Bago man ako sa institusyong ito Ako ay hinding-hindi magpapatalo Ituturing kong ito'y hamon ng buhay Upang makamit pangarap at tagumpay. Marami na akong bagong nakilala Sila ang parati kong mga kasama Kami man ay may iba't-ibang ugali Pero kami ay hindi nagtutunggali. Marami kaming mga pinagsamahan Hinding-hindi ko iyon malilimutan Mahirap isiping kami'y mabubuwag Pagmamahalan pari'y di matitinag. At patapos na ang aming sekundarya Kami ay lubusang magpapakasaya Kahit ito man ang huling ala-ala Masaya ako, tayo'y nagkakilala.All Rights Reserved