Makakaya mo bang gawin ang lahat para sa iyong minamahal? Ipaglalaban mo ba siya? O hahayaan mo na lang ang inyong pinagsamahan dahil sa mga balakid na inyong madadaanan?
Saniata Ayat Villarta, isang masipag, maalaga, at responsableng dalaga. Lumaki siya sa pangangalaga ng kaniyang mga lolo at lola dahil labis na abala ang kaniyang mga magulang sa trabaho sa bayan. Sa kaniyang pananatili sa pangangalaga ng lolo at lola ay nakilala niya si Elian Novel Lacaden, isang spoiled, mainitin ang ulo, at walang respetong lalaki.
Mabait naman talaga si Elian kaso hindi sa lahat dahil para sa kanya, wala rin namang silbi ang pagiging mabait sapagkat hindi naman lahat ng ating binibigyan ng kabaitan ay masusuklian tayo.
Dahil sa kanilang palaging pagkakasama, unti-unti silang nakaramdam ng pag-ibig. Sa simula ay akala nila'y puppy love lamang ito, ngunit sa pagdaan ng panahon ay saka lamang nila ito napagtanto.
Ngunit sapat ba ang pagmamahalan lamang para manatiling buhay sa mapanakit at nakakasakal na mundo?
Language/ Dialect used:
Tagalog, English, and Ilocano.
This is my first time writing a story, so please be aware of any grammatical errors, typos, etc.