Perpekto na sana ang buhay ni Azucena Buenacer dahil halos lahat ay nasa kaniya na bilang isang anak principalia. Ngunit, ang tanging hangad lamang niya ay ang matupad ang pangarap na maging isang bantog na mananayaw balang-araw na siya namang tinututulan ng kaniyang ina. Ang nais nito ay maaga siyang mamulat sa murang edad kung paano ang isang maging mabuting asawa ng aristokratong si Plaridel Vizconde na siyang ipinagkasundo sa kaniya. Kaya naman nang makilala niya si Jacinto Katigbak na isang indiyong mang-aawit na nangangarap maging isang tanyag na musikero, at suportado ng sarili nitong mga magulang, ay kagyat siyang nagkaroon ng pag-hanga sa binata dahil sa determinasyon nitong matupad ang minimithing pangarap sa kabila ng karukhaan. Magkaiba man ang takbo ng kanilang mga buhay ay hindi naging hadlang iyon upang sila'y pagbuklorin ng tadhana sa tulong ng makapangyarihang mga ritmo at melodiya ng musika. Subalit ang kanilang pag-iibigan ay hinahadlangan ng karamihan. Gayunman, nananatili itong matatag at hindi matitibag ng sinoman. Kahit pa ang kalikasan.All Rights Reserved
1 part