Wala akong maipagmamalaki sa ngayon. Galing sa mahirap na pamilya at doubleng kayod ang ginagawa ko para matustusan ang sarili kong pangangailangan simula ng pumanaw ang mga magulang ko. Sinong mag-aakalang iiwan ko ang lupang kinalakihan ko, lumuwas ng Maynila para lang makapagtapos ng pag-aaral at maiahon ang sarili sa kahirapan. Sa kabila ng paghihirap ko, tadhana na yata ang nagbigay sa akin ng kasiyahan kahit panandalian lang at ng taong mamahalin ako ng totoo. Siya lang ang minahal ko at mamahalin kahit marami mang tao ang makilala ko. I love you, Amadeyo and I will always will.