Uy may pumapag-ibig! At sinakto pa talaga sa panahong kinakailangan niyang magpagaling mula sa pagiging adik. Heto si Greg, status: healing, nakulong dahil sa paggamit ng pinagbabawal na gamot pero nakalaya na rin siya at kinupkop ng kaniyang tiyahin. Wala naman siyang ibang plano kundi ang magpagamot para sa kanyang karamdaman pero hindi niya inaakalang makikilala ang nag-iisang si Nurse Alex.
Mas hindi niya rin inakalang makakasalamuha niya ito araw-araw. Nagpatuloy nga ang buhay ngunit may kanya-kanya silang mga sikreto na nararapat na mailantad bilang pagpapakatotoo, hindi lamang para sa iba, kundi para na rin sa sarili nila.
Oh my! Ito na ba ang simula ng lovelife ni Greg na matagal na niyang inaasam-asam? Well well well! Welcome sa kaniyang bagong buhay, samahan mo ng mga malokong kaibigan, butihing ama at maligalig na tita, mga chismoso't chismosa, at isang baranggay healthworker na ubod ng ganda, magsisimula na bang magkaroon ng kulay ang kanyang makulimlim na buhay?