Selos... sign yan na mahal ka niya at ayaw ka niyang mawala.Ibig sabihin nun mahalaga ka sa kanya. Huwag kang magagalit kung nagseselos siya. Dahil mas masarap sa feeling na ramdam mo na may pakialam siya kesa sa wala at binabalewala ka. Mas masarap yung pakiramdam na pinagdadamot ka niya kaysa sa pinamimigay ka.Pero minsan ang selos napapalitan ng takot, takot na mawala ka. Takot na mas nagiging masaya ka sa iba, na mas nabibigyan mo ng atensyon ang iba kesa sa kanya. Na mas napapalapit ka sa iba at nakakalimutan siya.Minsan kasi pag nagmamahal ka nagiging makasarili ka. Gusto mo na nasa sayo lang ang atensyon niya. Ayos lang naman ang magselos. Pero yung sobra-sobra? Hindi na maganda yun. Sana ilagay naman ito sa lugar at wag yung puro selos na lang lalo na sa mababaw na bagay lang. Dahil kung laging ganun na lang masama din naman ang ganun. Nakakapagod, mahirap lalo’t paulit ulit lang na ganun.Walang masama sa pagseselos, wag lang yung sobra. Tama na yung maipakita niyo sa isa’t isa na pinapahalagahan niyo ang kung anong meron kayo. Hindi dahil wala siyang tiwala kung hindi dahil ayaw ka lang niyang mawala.All Rights Reserved
1 part