Ilang ulit ko nang natakasan si Kamatayan. Ilang ulit ko na ring syang hinanap. Sabi ng iba 'uy ang swerte mo!' di lang nila alam kung gaano kahirap ang maiwan, balikan at habulin ng mga kaluluwang di mapalagay dahil sa ako'y kanilang hinihintay. Nakikita ko sila. Naririnig. Pilit kinakausap subalit di sumasagot. Isa ako sa mga naka ligtas sa isang trahedya na gumimbal sa buong mundo, walang iba kundi ang Bagyong Yolanda na kumitil ng maraming buhay; iniwan nila akong mag-isa. Ilang ulit na nila akong sinundo. Ngunit parati silang bigo. Gusto ko nang katahimikan! Subalit saan? Maaari mo ba akong tulungan? Babala: This is a work of HALF FICTION. Names, characters, places, events and incidents are either products of the author's imagination or based in true events ( Half Fiction nga. Meron bang ganun?) Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental ( coincidental daw... e talaga namang nangyari.) PLAGIARISM IS A CRIME! ( wag mong gayahin ang isang senador dyan! Ehem)
More details