"Don't leave me, Yaya. I don't want you to leave me here. Sino na po ang magtatanggol sa akin kapag sinasaktan ako ng daddy ko? Please stay here with me, Yaya Rita." Ang dahilan ng pag-iyak ng batang ito ay dahil aalis ako sa bahay nila, kung saan anim na taon ko siyang inalagaan. Naaawa ako sa kanya dahil pilit niya akong kinukumbinsi na huwag umalis, ngunit kailangan may ginawa ako na nakasakit sa asawang babae ng batang ito kaya ganun na lang ang galit sa akin ng magulang niya. "Shh, tama na kaiiyak. Babalik din ang Yaya at maglalaro din kayo ng aking anak diba gusto mo siya kalaro?" Sambit ko na naiiyak din ako dahil napamahal na ako sa batang ito. Sa anim na taon ko siyang inalagaan parang anak na rin ang turing ko sa kanya. "Opo Yaya Rita, but I was scared of my own dad. I just want to come along with you. At least I'm safe with you, Yaya Rita, and your daughter. I can be your daughter too." Nagsasalita siya sa isang wikang tinatawag na Ingles. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil hindi ko pa ito natutunan, pero may pakiramdam ako na dahil nanay ako, gusto niya sumama sa akin... FIRST GENERATION Stated: August 30, 2023