Siya'y, nakaupo sa kanyang 'karwahe'. Hindi prinsesa o prinsipeng may bughaw na dugo. Walang bahid ng maharlikang pangalan o paninindigan. Ang importante? Na sa bawat araw ng kanyang buhay, mayroong patuloy na tumutulak sa paunang tinukoy na sisidlan, habang ang nakaupo rito'y nabubuhay ng masaya, 'pagkat siya'y ginagabayan, sinasamahan. Hindi mahahadlangan ng paglakad o binti ang koneksyong nananaig sa pagitan nilang dalwa; na s'yang sinasabayan ng ritmo mula sa tibok ng mga pusong nagkukumahog. Anong koneksyon? Ano ang koneksyon? wasPaanong koneksyon? Paalam, Paano, Pasaan? Makakalakad pa ba siya? Maitutuloy pa ba nila ang himig ng piyesang, sabay nilang pinasimulan? Sa huling paalam, s'ya na rin bang huling paggulong ng pinagsamahan? Pahimakas.All Rights Reserved
1 part