Karamihan sa mga babae, mapabata, teenager, single, may asawa, matandang dalaga(kasi nga pwede pang mangarap) at maging biyuda na ay pinagdaanan ito. ANG MAGING PRINSESA NG KANILANG "PRINCE CHARMING". Sabi ng marami, pag nangarap ka ng ganito ay isa kana daw jologs, corny, baduy at kung anu-ano pa. Pero iba kay Ryle. Paano kung ang panagip niyang ito ay magkatotoo? Handa ba talaga siyang tanggapin ito? Di kaya nama'y piliin na lang niya ang normal na buhay? Sundan ang buhay ni Ryle at ang kanyang magiging " Knight in Shining Armor". Sundan natin ang makulay, masaya at magulong buhay pag-ibig ni Ryle. Kung paano niya haharapin ang buhay na di niya inaasahang magkakatotoo.