"Then what do we do, Sandra? Wala na tayong ibang paraan para maisalba ang sitwasyon natin. We're out of options, at wala ng oras."
Rinig ko ang pressure sa boses na galing kay Papa. Seryoso lang itong nakatingin sakin na ngayon ay nakahalukipkip na. I've thought of something crazy awhile ago, and now that's the only thing that has come up in my mind. Ngayon, mukhang naiintindihan ko na kung bakit ako binalik sa nakaraan. I'm about to decide on something that will probably change my whole life. Ramdam ko ang mga pawis sa aking noo, habang kinakalikot ang mga daliri.
Sobrang kapal at nakakapressure na ng tensyong namumuo dito sa study den. Lalong bumilis ang pagkabog ng puso ko dahil sa naisip kong solusyon. This is crazy, no, I think I'm crazy. Lahat ay tahimik habang seryoso silang nakatingin sa akin.
We are already at wit's end, and there seems to be no more options at hand other than what I'm thinking right now.
"They just need someone from the Valentine, right?"
Namamaos kong pahayag dahil sa pagsigaw kanina habang nakayukom ang mga kamao trying to grasp all the control I have in my body. Dahan-dahang napatingin silang lahat sakin. Nakakunot ang mga noo at nagtataka sa naging tanong ko.
"I'll do it. I'll marry their daughter."
Adelaide, a simple office worker died due to a traffic accident. Akala niya iyon na ang huling sandali ng buhay niya. Kung tutuusin ay nakahinga siya ng maluwag dahil sa wakas ay makakawala na siya buhay na puro pagod at pasakit lang ang ibinigay sa kanya.
Pero mahirap kalabanin ang tadhana kung ito mismo ang humarang sa kagustuhan ng isang tao. Adelaide woke up one day and found out she's inside a novel. Nobelang sinusubaybayan niya pero ang problema ay hindi pa ito tapos kaya hindi niya alam ang nangyari sa dulo.
Nung una ay nagalit si Adelaide sa nangyari dahil bakit nga ba naman siya mapupunta doon? Ano ang dahilan?
Katulad sa nauna niyang mundo ay walang kahit na ano'ng kinakapitan ang buhay niya sa mundong ito. Not until she met Lily. The second lead character in the story. Ang nakababatang kapatid ni Roseanne. The woman who have a one-sided love with the male lead, Charlie.
Kung may pinakanasaktan ata sa istorya ay si Lily iyon. Nagmahal na nga lang siya tapos hindi man lang iyon nasuklian dahil may gusto itong iba at ang malala ang taong nagugustuhan ng mahal niya ay ang sarili niya pang kapatid. She was loved but on a sisterly kind of love.
Hindi lang iyon, namatay pa ito ng saluhin nito ang balang si Charlie sana ang tatamaan. Namatay itong hawak-hawak sa bisig ng taong mahal nito.
Naging misyon niya sa buhay ang tulungan si Lily na baguhin ang tadhana nito. Naniniwala kasi siya na marami pa itong maaabot sa buhay kung hindi lang ito maagang namatay. At tsaka kung may pinakagusto syang karakter sa nobela ay si Lily iyon. Ngayong may kakayahan siyang tulungan ang paborito niyang karkater ay syempre sasamantalahin niya ang pagkakataon.