Matapos ang anim na taon na pananatili sa Maynila ni Celine. Upang mag-aral at makahanap ng stable na trabaho ay bumalik ito sa kanilang probinsya upang magbakasyon. Handa na din itong pagbigyan ang naudlot na pag-iibigan ng kababata nitong si Damian. Ngunit, kung kailan naman handa ng umibig si Celine. Matutuklasan nitong may kasintahan na pala ang matalik na kaibigan. Kaya labis ang pagkabigo ng dalaga. Huli na si Celine! Hindi na siya nagawang hintayin ng lalaking unang pinaglaanan ng kaniyang puso.