Sa buong pamamalagi ko sa sekundarya, isang kaganapan na maaaring hindi ko malimutan ay ang pagtakbo ko para sa pagkapresidente ng aming Student Body Government. Hindi ako yung tipo ng estudyante na leader-type kaya ang nasubukan ko lang lagin takbuhan na posisyon ay councilor na kung saan kada seksyon ang botohan. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob noon, pero naisip ko noon na bakit hindi, pakiramdam ko naman ay kakayanin ko ang responsibilidad at gawain ng tatakbuhan kong posisyon.  Sa miting de avance, kinaya kong magsalita sa harap ng maraming tao ngunit sa dulo ay pumipiyok na ako dahil nanuyot na ang aking lalamunan. At lumipas rin ang eleksyon at ako ay natalo. Sa kabuuan, hindi ko rin naramdaman ang kalungkutan ng pagkatalo sapagkat nakita ko ito bilang isang tagumpay sa sarili ko na kung kakailanganin ay kakayanin kong magsalita sa harap ng maraming tao, at sa pagtatapos ng araw ang naging importante sakin ay ang suportang nakita kong ibinigay ng mga kaibigan ko. Dahil naisip ko rin, upang manalo, kinakailangan na marami ka dapat kaibigan dahil ang mga tao ay mas papabor bumoto doon sa taong mas malapit sila dahil alam nilang mas madali silang makakahingi ng tulong at makapagmumungkahi ng pagbabago sapagkat malapit sila sa makapangyarihan.