Aakalain mo bang ang dalawang magkaibigan na magkapatid na ang turingan ay mahuhulog sa isa't isa at magmamahalan? Si Clinton Cole ay isang torpeng lalaki, hindi nya maamin ang nararamdaman nya sa kanyang kaibigan na si Krissy Villamin dahil natatakot syang baka masira ang friendship nilang dalawa. Mula pagkabata ay magkasama na ang dalawang bida, at hanggang sa tumagal ay nahulog na nga sila sa isa't isa. Isang araw bigla na lamang mapapatanong si Krissy sa kanyang sarili kung bakit iba na ang trato sa kanya ni Clinton, ag dating makulit at malambing na binata ay lumamig na ang pakikitungo sa kanya. Iniisip ni Krissy na baka dumidistansya ito dahil may nililigawan na, may isang buwan ring hindi magpapakita ang binata kay Krissy pero darating ang isang araw na si Krissy na mismo ang makakadiskubre na may gusto na pala sa kanya ang kaibigan. May kasiguraduhan kayang aamin si Clinton kay Krissy o magpapaka-torpe na lang?