The light through our heart ᴛʜᴇ ʟᴏɴɢ ʟᴏsᴛ ᴘᴏᴡᴇʀғᴜʟ ᴘʀɪɴᴄᴇss
Unti unting sumilip ang araw, dala ang liwanag na nagbibigay kulay sa lahat. Tumingala ako, pinagmasdan ang isang lugar kung san ako lumaki - sa isang bahay na puno nag pagmamahal. Umihip ang malamig na simo'y ng hangin at dumampi saking katawan. Tumalikod ako at sinimulang inangat ang paa - dahan dahan akong lumakad, na sa bawat pag hakbang ko ay may namumuong tanong, na sa bawat pag layo ko ay may namumuong sakit, na tila lumalakad ako sa apoy.
Huminto ako, unti unting pinikit ang mga mata, muling umihip ang malamig na simo'y ng hangin na sa bawat pag dampi nito ay parang isang yakap na kagaya ng hangin ay unti unting lumisan. Minulat ko ang aking mga mata at sa pagmulat, tanaw ko ang mga naglalakihang pader na nakatayo mula sa malayo. Sa bawat segundong pagtingin ko, tila ako ay tinatali ng isang lubid na unti unting hinihila papunta roon.
Ano nga bang meron sa lugar na iyan na tila ba ako'y kanyang tinatawag?
Tumahimik ang paligid, wala ng hangin na dumadampi sakin katawan, wala ng tunog na maririnig na tila pinahinto ang oras, hanggang sa...
"𝙃𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙖𝙠𝙤𝙣𝙜 𝙞𝙥𝙖𝙡𝙞𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙠𝙤, 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙣𝙞𝙮𝙤"
Isang tinig na umalingawngaw, isang pamilyar na tuno na tila galing sa sarili Kong bibig. Bumilis ang tibok ng puso ko
Kasabay ang tanong na
"𝙎𝙞𝙣𝙤 𝙣𝙜𝙖 𝙗𝙖 𝙖𝙠𝙤? "
Disclaimer: The image ( except the cover) and lyrics used in this story are for illustrative purposes only and are not owned by the author. The author does not claim ownership of the original content.
Do not copy or repost my story. Plagiarism is a crime