[ COMPLETED ] SECOND INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES Matapos ang mahigit isang libong taon na pamumuno ng lahi ni Oceanus, naibalik na ang trono mula sa nararapat na magmana nito---ang anak ni Hades at Persephone na si Melinoe. Ngayong nasa lahi nang muli ni Hades ang pamumuno sa Elysium, kailangan pa ring patunayan ni Melinoe na nararapat talaga siyang maging reyna ng estado, at protektahan ang kanyang trono laban sa mga magtatangkang agawin ito mula sa kanya. Kasama pa rin sina Jerome, Ryker, Xavier, Klein, at Gunner bilang kanyang mga royal knight, kailangan din nilang patunayan na karapat-dapat sila sa kanilang katayuan sa Elysian Royal Palace sa pamamagitan ng pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin na protektahan ang kanilang reyna sa lahat ng pagkakataon. Samahan sila sa pagpapatuloy ng kanilang laban sa pagpasok ng bagong yugto ng pamumuno sa Elysium. --- Started: September 2022 Ended: November 2023 © All Rights Reserved 2022; 2023
58 parts