Maraming taong darating sa buhay natin na mamahalin at pahahalagahan natin, ngunit may isang taong mananatili sa puso. May mga tao naman na gusto nating burahin sa ating buhay, pero hindi natin magawang sila'y kalimutan. May mga bagay na gusto na nating bitawan, pero hindi natin magawa dahil umaasa tayo na may pag-asa pa. At may mga problema na pilit nating binabaon, pero patuloy itong hinuhukay ng ating sitwasyon. Sitwasyong patuloy na pinapalala ng mga ala-alang matagal na dapat ibinaon. Started: July 24, 2022
6 parts