Predestined Series 3
Marami sa atin gusto ang ulan, ang ulan na nagiging dahilan sa pag kakaroon ng malamig na kapaligiran.
Maniniwala ka ba kapag sinabi ko na may isang babae ayaw pag umuulan?
Si Sharia Rexie Maristela ay isang successful business woman sa Pilipinas, maraming humahanga, at nag kakainteresado sa kan'ya. Maraming sumubok, ngunit marami ring nabigo. Sa kabila ng kan'yang tagumpay bilang isang successful business woman, may nakaraan siyang pinipilit na kalimutan, na kahit anong gawin niya ay hindi niya ito makalimutan.
Si Renzeo Denzel Boromeo ay isang Journalist, isang araw pinakiusapan siya ng kan'yang boss na interviewhin si Sharia kung sa gano'n maging mataas ng popularity ng company na kan'yang pinag tratrabahuan.
Madali lamang ang trabaho ni Renzeo ngunit nagbago iyon nang magsimula ang hindi niya inaasahan, isang hindi inaasahan na hindi naman sakop ng kan'yang trabaho.
"Will you believe me if I tell you that I hate rain?," I said and did not bother to look.
"H-Hindi ko alam," rinig kong sabi niya, ngumiti naman ako at nakatingin lang sa bintana habang pinag mamasdan ang pagtulo ng ulan sa salamin nito.
Mananatili ka bang matatag para sa iyong minamahal?
Ipagpapatuloy mo pa ba ang nararamdaman mo sa isang tao kapag nalaman mo ang kan'yang nakaraan?