Sampung taon na nakakaraan na grumaduate kayo ng pagiging isang high school student at sa sampung taon na yun ay nag request ang inyong dating president ng room niyo na magkaroon ng Reunion upang ipagdiwang ito. At yan ang dahilan upang magkita-kita kayo ulit ng dati mong mga kaklase, kaibigan at naging parte ng buhay mo noon. At isa din yan ang dahilan kung bakit nagkaroon kayo ng adventure na di niyo makakalimutan sa buong buhay niyo.