Kung mahal mo ang isang tao dapat tanggap mo at matanggap mo ang mga pagkakamaling nagawa niya. Kasi sa pagmamahal wala namang perpekto, kahit ikaw nga nakakagawa ka ng mga pagkakamali. At sa isang relasyon naman diba hindi lang pagmamahal ang kailangan, kasama diyan ang acceptance, patience, understanding, respect and forgiveness. Kaya kung nakagawa man siya ng pagkakamali patawarin mo siya kasi walang perpektong tao sa mundo. Pero paano kung hindi mo talaga siya magawang patawarin at tangapin ang mga pagkakamali niya? Paano kung ginawa niya lahat lahat para lang patawarin mo? Mapapatawad mo kaya siya o Hindi? Paano kung sumuko na siya sayo? Paano kung nakikita mo na siyang unti-unting sumasaya sa iba? Kaya mo na? Paano kung naaapektuhan na ang anak niyo? Magmamatigas ka pa rin? O ikaw naman ang susuyo sa kanya? Maraming PAANO ang dapat mong masagot, pero ang kasagutan sa lahat ng yan ay ikaw lang ang nakaka-alam. It's on you if you will accept his mistakes or you will completely lose him and you will see him happy with someone. Hindi titibay ang Isang relasyon kung walang mga pagsubok na darating, ang mga pagsubok na yan ay ang sussubok sa inyo kung gaano talaga ka tibay ang tiwala at pagmamahal niyo sa isa't isa. Pero kung isang pagsubok pa nga lang ay susuko na kayo hindi niyo masasabi na matibay talaga ang pundasyon ng relasyon ninyo. Kaya sa lahat dapat ng panahon kung maari ay intindihin ninyo ang isa't isa at matutunang tanggapin ang mga pagkakamali ng bawat isa.