"We b-both a-agreed to end our relationship. We decided to separate in a n-nice way and we're g-good", ani Althea sa mga taong naka paligid sa kanila. "Pero...", hindi na natapos ng dalaga ang sasabihin nang biglang hinampas ng malakas ni Tres ang ibabaw ng mesa.
Labag sa loob ng binata ang sinabi ng kasintahan or should it be his ex-girlfriend now?
What Althea said were all pure lies!
Hindi totoong kagustuhan nilang dalawa ang maghiwalay kundi ito lang ang may gusto at nagdesisyon sa kanila. Kaya nga nagkakaganito sya ngayon.
"Don't cover it with a lie, Althea...tell them the truth between us!", he asked her while his jaw is clenching in anger. "Bakit hindi mo sabihin sa kanila na ikaw lang talaga ang gustong makipaghiwalay sa'kin?", sa kabila ng tama ng alak ay nakuhang sabihin ni Tres nang tuloy-tuloy.
But Althea didn't say anything...
"Bitawan nyo 'ko!", pagpupumiglas ng binata nang hawakan sya ng mga kapatid nang akmang lalapitan nya ang dalaga. "Kakausapin ko lang ang girlfriend ko...", mariin nitong saad at pilit pa ring lapitan si Althea.
Hanggang sa lumapit na si Symon at isang malakas na suntok ang pinadapo nito sa pisngi ni Tres na ikinahiyaw ng mga taong nakakita.
Si Althea ay agad na tumakbo papalayo nang magsimulang magkagulo sa kabila ng pagtawag sa kanya ni Tres. Gusto man nyang lapitan ito ay minarapat nyang huwag na lang dahil...hindi na dapat!
Sa kanyang pagtakbo papalayo sa lalakeng minamahal ay walang ampat sa pagtulo ang kanyang luha.
Kung sana'y kaya nyang baguhin ang sitwasyon nilang dalawa. Pero wala syang magawa dahil umpisa pa lang ay pagmamay ari na ito ng iba.
Hindi sya ang babae para rito.
Tommy Reseamus Drego (TRES)
Althea Felice Heralgo
A/N:
*Contain mature themes and strong languages.
*Expect spelling mistakes and grammatical errors in some part of the story.
*Story is a product of author's imaginations, any resemblance is purely coincidence.
CTTO of photo cover used...
Thank You!
*SilentPage18All Rights Reserved