Mariano's Family has been in the industry since the 1980's and has been part of the Secret Society of the Philippines. Pamilya nila ang isa sa mga pinaka makapangyarihang pamilya sa buong Pilipinas, halos buong negosyo sa bansa ay hawak nila, mula sa mga eskwelahan, kompanya, hacienda at iba pa. Tunay ang kanilang kapangyarihan. Si Don Mariano ay may nag-iisang anak na si Arthuro Mariano, siya ay nakapangasawa ng isang galing sa angkan ng mga Romualdez, Sila'y may apat na anak pero si Ariella Estelle Mariano, ang pinaka suwail. Alam niya na makapangyarihan sila, pero alam natin ito'y may hangganan. Hanggang saan niya makakaya ang kapangyarihan kanyang kinalakihan? Hanggang kailan siya magsasakripisyo para sa kapangyarihang hawak ng kaniyang pamilya?