Book #1 "Ang babae sa fitting room." Halatang-halata sa mukha ng matabang babae ang takot kasabay namumuo na ang mga luha nais niyang humiyaw sa nadaramang hapdi o sakit na dulot ng mga hiwa ng sinulid ngunit wala parin lumalabas sa kanyang bibig na anumang boses sa kanya . Pinakahuling eksena ang huling sinulid na lumabas sa suot ng babaeng naka-itim ay pumulupot ito sa leeg niya para bang isang baboy siyang kinakatay . Di parin siya makakilos at nakanganga lang siya na tanging yun lang ang kanyang reaksyon nagsimulang dumugo ang leeg para bang gripo na naliligo siya sa sariling dugo . "Aaahhhh!!!!" - sigaw ng sales lady na matagpuan niya ang customer na naliligo sa sariling dugo sa loob ng fitting room nangingisay-ngisay pa ito ,dilat pa ang mga mata,nakanganga ang bibig at makikitang nakalat ang dugo sa sahig. Ano ang mahiwagang bumabalot sa fitting room sa loob ng isang mall sa Pasay city.?All Rights Reserved