For some, it took days and weeks to become close and months or even years to build trust. Pero para kay Adrielle, it only took a minute. Pumakawala siya ng isang malalim na hininga habang nakatitig sa kawalan. "I'll be back for you..." "I'll be back for you..." "I'll be back for you..." Di na ito nabura sa isipan niya. Matagal-tagal na rin mula nang makilala niya ang isang batang lalake sa park malapit sa kanilang bahay. This boy suddenly blew out the thorns within her heart because in a very short moment, he gave the comfort that she needs. Pero, sa isang iglap lang ay agad naman itong lumisan. But he left one thing. The most important thing - his promise to go back for her. Walong taon na siyang naghihintay. Naghihintay sa iisang tao na hindi niya alam kung sigurado bang babalik. Hindi niya alam kung bakit.Pero nais niyang makita muli ito. Mukhang hindi buo; parang may puwang sa kanyang puso. Marahil, naging mahalaga na ito sa kanya at natutunan niyang pagkatiwalaan ito kahit binigyan lamang sila ng maikling panahon para magkakilala. Dahil dito, isinarado niya ang kanyang puso para sa iba at patuloy na pinanghahawakan ang pangako na iniwan sa kanya ng batang si Yeoji. Umaasa siya na kahit papano ay may maramdaman din itong espesyal sa kanya kung magkataon mang magkita sila ulit. Through the long wait, will she still hope for him to return or will she already let go of his promise and open her heart for somebody to fill the space that lives inside her soul?
4 parts