High school. Isa ito sa pinakamasaya at unforgettable part of a student. Pachill-chill lang sa studies. Puro kalokohan ang alam. Kahit ilang problema pa ang dumating, basta't kasama ang baliw na tropa, tiyak magsusurvive ka. 'Di bale nang absent, 'wag lang mawala sa get together ng barkada.
Kopyahan ng assignment, pati sa exam sama-sama din. Hanep talaga ang high school. Yes, halos lahat ng high school students ay puro laro at kabulastugan ang alam, pero kung mainlove parang board exam sa sobrang pagseseryoso.
Gaya na lang ni Gilliane Montenegro. In her 13 years of existence ay marami na itong alam tungkol sa pag-ibig. Napapailing na lang ang mga taong nakakasalamuha niya sa tuwing nagbibigay na ito ng 'words of wisdom' niya about love. Marami ang nagtataka kung bakit napakarami niyang alam pagdating sa bagay na ito ay marami siyang alam kahit na wala pa siya ni isang karanasan sa bagay na ito.
******
hello there people, this is my first ever story in wattpad.Hope magustuhan ninyo.
Pm me for suggestions.
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.