"Huwag kang mafo-fall sa akin. Huwag na 'wag kang mahuhulog, dahil sa oras na mangyari 'yun? Masasaktan ka lang." Matapang kong sabi sa kanya saka matapang na ngumiti. Pilyong ngumiti naman si Shan at tinapatan ang tapang na ipinapakita ko sa kanya. Sa ngiti niya na 'yun ay tila nanlambot ako, pero hindi ko 'yun ipinakita. "I'll never fall for a gay. I'm strictly into real women, you know. You might just be pretending that you don't like me." Idiniin pa niya ang katawan ko sa kanya at mas inilapit ang mukha. Naramdaman kong mas bumilis ang tibok ng puso ko. "Tingnan natin ang tapang mo. I'll make sure you're hooked on me. You'll be chasing after me like everyone else."All Rights Reserved