𝘈𝘣𝘢! 𝘈𝘯𝘰 𝘣𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘺 𝘬𝘰? 𝘕𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘣𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘭𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘩𝘶𝘭𝘰𝘨 𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘬𝘰 𝘴𝘢'𝘺𝘰." -𝘌𝘭𝘢𝘳𝘢 𝘓𝘶𝘯𝘢 Hindi naman talaga mahirap ang mahulog. Sa katunayan nga ay ito ang pinakamadali. Ang mahirap ay kung paano ka makakaahon sa pagkakahulog sa balon ng lungkot at ligaya, ng pagmamahal at pakikidigma, ng laban at paalam, ng pananatili at ng paglisan. 𝘈𝘭𝘭 𝘪𝘴 𝘧𝘢𝘪𝘳 𝘪𝘯 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘸𝘢𝘳. Ngunit magiging patas nga ba ang pagmamahalan at digmaan sa pagitan ng dalawang nilalang na may magkaibang mundong pinanggalingan? Magagawa bang baguhin ng kanilang pagkakaiba ang mga pangyayaring nakatakda na? Sabay-sabay tayong mahulog sa balon ng kwento ni Elara. Samahan natin siyang mamangha at masagot ang mga katungan na matagal na nyang hinahanapan ng kasagutan. Enjoy your stay! 😘