REJECTED BY MY SIVERO (complete)

REJECTED BY MY SIVERO (complete)

  • WpView
    Reads 16,671
  • WpVote
    Votes 461
  • WpPart
    Parts 25
WpMetadataReadMatureComplete Fri, Nov 4, 2022
WpInfo
Fiction
Paranormal
Pakiramdam ni Sivero ay pinaglalaruan ng tadhana ang kanyang buhay. Sa unang pagkakataon pa lamang kasi ay nakuha na ng isang babae ang kanyang pag-ibig. Ngunit kasawian lamang ang dinulot sa kanya dahil ang inaakala niyang babaeng nakatadhana sa kanya ay ang magiging ina pala ng kanyang tunay na mate. Hindi mawarian ng future alpha ang kanyang mararamdaman sa kakatwang sitwasyon na kinalalagyan niya. Mahal niya si Zinnah ngunit ang magiging anak nito ang nakatadhana para sa kanya. Halos huminto sa pag-ikot ang kanyang mundo ng tuluyan ng wakasan ng Tadhana ang buhay ng kanyang iniibig kasabay sa pagsilang nito ng isang malusog na sanggol na babae na siyang tunay na nagmamay-ari ng halimuyak na naging kaakit-akit para sa kanya sa pag-aakala na kay Zinnah ito. Gayonpaman, nakasisiguro si Sivero na wala siyang nararamdaman ni katiting na pagmamahal para sa tunay niyang mate. Kung mayroon man, iyon ay dahil anak siya ni Zinnah, at tanging hanggang doon lamang. Rejection ang naisip niyang solusyon upang tuluyan na niyang mapalaya ang kanyang sarili sa tali na nag-uugnay sa kanila ng nakatakdang luna ng kanilang pack. Rejection sa pagtungtong nito sa ikalabing-walong taong gulang. Wala na siyang ibang pinakahihiling kung hindi palayain ang sarili na para sa kanya'y hindi makatarungang pagpapasya ng tadhana sa kanyang kinabukasan. Rejection, na kung saan hindi niya aakalain na matutuhan pala niyang mahalin ang anak ni Zinnah nang higit pa sa kanyang pag-ibig para dito. Rejection, na pagsisisihan niya buong buhay niya. Mapapatawad ba siya ng luna sa minsang pananakit sa kanyang damdamin? O tuluyan nang makakain ng galit ang puso ni Zarmaine laban sa kanyang alpha?
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • MIDNIGHT KISS
  • Academia: Hidden Histories
  • Debt and Pleasure
  • Makakaya po ba? ( published under Le Sorelle Publishing)
  • BREAK THE WORLD (LID) Book 2 COMPLETED
  • FORGOTTEN LOVE
  • I LOVE YOU SILINGAN KO (COMPLETED)
  • ❤Posh Girls Series Book 3: Scarlet (Completed_published by PHR)
  • Promises: Her Nightmare"

"Hindi ko maaaring pilitin ang puso kong magmahal ng iba. I can only love once, at ikaw lang iyon..." Pagkatapos saktan ni Max ay sinabi ni Sabrina sa sarili na kalilimutan na niya ang lalaki. Ngunit nagbalik si Max sa buhay niya. Sa pagbabalik ng lalaki ay muli nitong binuhay ang pagmamahal na akala niya ay wala na. Muli nitong ginulo ang nananahimik niyang buhay. Kaya kahit mahirap na magiging amo pa niya si Max ay umakto siyang bale-wala lang sa kanya ang lahat. Ngunit mahirap nga yata talagang pigilan ang pagmamahal sa isang tao. Napatunayan iyon ni Sabrina dahil sa pangalawang pagkakataon ay tuluyan na siyang nahulog sa karisma ni Max. Isang halik lang ang nagpatunay na hindi niya kayang mawala ang lalaki. Hindi siya nangiming ibigay ang sarili kay Max dahil naramdaman niyang pareho sila ng damdamin. Pero hindi pa man umaamin si Sabrina kay Max sa nararamdaman ay naging malinaw na sa kanya na masasaktan lang siya sa huli. Dahil sa pangalawang pagkakataon ay sinaktan uli siya ng lalaki. Nalaman kasi niyang ikakasal na si Max kay Lyra, ang babaeng sumira sa relasyon nila noon ng binata.

More details
WpActionLinkContent Guidelines