Tumigil maniwala si Fate Lazaro sa halaga ng buhay simula nang mamatay ang mga magulang niya sa aksidente. Nang dahil doon, pinadala siya sa isang institusyon at naging ulila sa maagang edad. Hindi naging madali ang naging buhay niya sa nasabing lugar, ngunit nag-iba lahat ng nangyari nang dumating sa buhay niya si Clarence. Akala niya'y magtatagal na ang kanilang pagsasama, ngunit 'di niya inaasahan na guguho ang kaniyang mundo nang kunin si Clarence ng kaniyang mga magulang. Nangako siya sa kaniyang sarili na gagawin niya ang lahat upang makaalis sa institusyon at hanapin ang nasabing binata. Mahahanap pa kaya niya si Clarence? O mapapalitan ito ng masidhing interes niya na makaganti sa mga taong nanakit sa kaniya?