April Salva, isang simpleng babae at nangarap makapagtapos ng pag-aaral. Subalit sa isang iglap naglaho ang pangarap na iyon ng yumao ang kanyang mga magulang. Inihabilin siya sa kanyang kamag-anak subalit naging kalbaryo ang buhay niya. Lumayas siya at napadpad sa Manila. Namasukan siya bilang kasambahay sa pamilyang Ferrer at pinag-aral siya hanggang sa makatapos. Pero taliwas ang nangyari. Ikinasal siya sa nag-iisang apo at nag-iisang tagapagmana ng mga Ferrer. Subalit pasakit at pagkamuhi naman ang isinukli ni Enzo sa kanya nang mapag-alaman nitong buong-buo pa siya nitong nakuha. Mapapatawad ba ni Enzo ang asawa kong malaman niyang sa huli ay ang lolo at lola niya ang may pakana ng lahat? Paano paghihilumin ng pagmamahal ang pusong tuluyan nang sumuko at namaalam? Ang kuwentong maghahatid ng luha sa inyong puso. . .