Cascade of Hearts

Cascade of Hearts

  • WpView
    Reads 702
  • WpVote
    Votes 24
  • WpPart
    Parts 13
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Fri, Apr 10, 2026
WpInfo
Fiction
Fantasy
Started: 25/01/29 Palagi akong nananaginip ng tubig. Minsan, tahimik itong dumadaloy, minsan naman ay parang nilalamon ako ng alon. Hindi ko alam kung bakit, pero alam kong may ibig sabihin ito. Akala ko, simpleng office worker lang ako-isang ordinaryong tao na may tahimik na buhay. Hanggang sa dumating si Kallisto. Matangkad, may presensiyang hindi mo basta-basta matatalikuran, at may mga matang tila alam ang lahat ng hindi ko pa nauunawaan. "Isa kang diyosa. Ang markang nasa kamay mo ang palatandaan na ikaw na ngayon ang bagong tagapangalaga ng Neptaras Crest." Akala ko, nagbibiro lang siya. Pero nang ipakita niya sa akin ang isang marka sa aking pulso-isang tattoo na hindi ko namalayang mayroon ako-alam kong hindi ito basta panaginip lang. 'Neptaras Crest' Iyon daw ang tawag dito. Simbolo ng isang kapalarang hindi ko matatakasan. Nagsimula akong makaranas ng hindi pangkaraniwang bagay-ang tubig ay gumagalaw sa bawat emosyon ko, ang lamig ay lumulukob sa paligid kapag nalulungkot ako. Hindi ko alam kung paano ko ito makokontrol. At bago ko pa ito matutunan, dumating ang pinakamatinding unos. Ang lungsod ay lumulubog sa baha. Ang ulan ay hindi tumitila, ang tubig ay patuloy na pumapatay. Alam kong ako lang ang makapipigil dito. Ginamit ko ang kapangyarihan ko para isalba ang lahat. Pero hindi ko alam na may kapalit iyon. Nararamdaman kong unti-unti akong naglalaho. Nawawala ang katawan ko-nagiging bahagi ako ng tubig. Hindi ko man lang napagtanto na ang pagsagip ko sa iba ang magiging dahilan ng pagkawala ko. Ngunit bago pa ako tuluyang maglaho, isang desisyong hindi inaasahan ang ginawa ni Kallisto-isang sakripisyong nagbago ng lahat. Sa mundong puno ng misteryo at hindi maipaliwanag na kapalaran, isang tanong ang naiwan: Hanggang saan ang kaya kong ibigay para sa kaligtasan ng iba? At higit sa lahat... hanggang saan ang kayang isakripisyo ng isang taong hindi ko alam kung dapat bang pagkatiwalaan-pero hindi ko na rin kayang mawala?
All Rights Reserved
#2
urbanfantasy
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Salamisim
  • LaLuIm : Langit. Lupa. Impyerno [COMPLETED] #InkWarz2019
  • BULLY'S OBSESSION (Completed) Under Editing
  • Flowers Blossom (Completed)
  • Fate
  • Ang lalaki sa larawan
  • Obsessive Desire (GXG)
  • the code
  • Mafia Queen Reincarnated as the Daugther of the weakest Tribe.
  • Earl's SAYT
Salamisim

Kung marami na nga ang namamatay sa maling akala iisipin ko na talagang torture ito. Pero bakit ko nga ba mas pinili ang ganitong sitwasyon? Minsan iniisip ko napakatanga ko lang talaga na kahit na ano pang gawin mong pagsusungit at pagtataray sa akin ay nagagawa pa rin kitang suyuin. May punto na parang palagay ang loob natin sa isa't-isa. May punto naman na para bang kinasusuklaman mo na ako. Pero kahit na ganoon ay heto, nandito pa rin ako at patuloy na naghihintay. "Hmm, sorry," napakatipid na sambit mo. Hindi ko nga alam kung saan na bang lupalop nakakarating ang isang salitang gaya niyan. Napakadaling paniwalaan para sa akin dahil ikaw naman ang nagsabi, pero dumating yung punto na napagod na lang ako. "Pasensiya na rin. Nakalimutan ko kasi...hindi nga pala tayo. Kaya siguro dapat ilugar ko na lang ang sarili ko sa tamang lugar at tao." Ngumiti ako at nilagpasan ka. Ngumiti ka rin, pero kitang-kita sa mga labi mo ang mapait na katotohanan. "Mahal mo pa rin ba ako?" tanong mo. Isang tanong na nakapagpatgil sa akin. Ang tanging nagawa ko na lamang ay lumingon, ngumiting muli...at umiling.

More details
WpActionLinkContent Guidelines