Simple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na. Ang akala ko, ang St.Joseph na ang pinakatahimik na paaralan sa buong Pilipinas pero nagkakamali ako dahil sa halip na sa paaralan ako magwo-working student, sa bahay ako ng mga Alcarde nagtatrabaho bilang isang katulong. Ang sabi ng iba, masuwerte raw ako dahil nakakasama ko si Preenz sa iisang bubong. Siya lang naman ang school heartthrob 'kuno' ng St.Joseph. Palibhasa anak ng may-ari. Sino ba ang hayop na nagsasabing masuwerte ako? Sino ba ang matuwa kung sa tuwing maglilinis ako, condom sa drawer at brief niyang kulay pula sa sahig ang nakikita ko? Kadiri! Binu-bully rin ako ng girlfriend niya sa school dahil pobre lang daw ako. Gusto kong lumaban pero ang dami ng tropa ng kurdapyang iyon kaya quiet na lang ako. Hindi na ako lumalaban pero joke lang-- pakshit siya! Sino siya para urungan ko? Pasensiyahan na lang pero ako ang mahirap na hindi paaapi. Ako ang pobre na walang inuurungang kalaban! Ako si Epokrita Matapobre aka 'Epok' for short at walang sino mang puwedeng mang-api sa isang katulad ko. Itatayo ko ang bandera ng mga katulong at higit sa lahat, papatayuin ko ang sandata ni Preenz Alcarde nang hindi ko isinusuko ang Bataan. Yes, ise-seduce ko siya. Hitting two birds in one stone para makaganti ako sa dalawa. Bago ninyo husgahan ang katulad ko, isipin ninyo muna ang paghihirap ko sa tuwing huhubad ang hayop na lalaking iyon sa harapan ko. Hindi ako mahilig sa pogi at higit sa lahat, hindi ako mahilig sa hambog kaya safe naman yata ako? Pero hayop siya! Weakness ko ang abs at may 8 packs siya. Madalas na napipikon si Preenz sa akin kaya madalas din niyang baliktarin ang letra ng nickname ko. Hayop siya! Kinasusuklaman ko sila ng lintik na nagpangalan sa akin!All Rights Reserved