P.B.S #4: Chances and Promises (Khalid Storm Philips)
Wasak ang puso ni Charity matapos siyang talikuran ng lalaking inakala niyang siya na ang wakas ng lahat. Hindi siya mahilig sa guwapo-mas pinipili niya ang tahimik, totoo, at hindi marunong mangako nang walang paninindigan.
Ngunit dumating sa kanyang buhay si Khalid Philips-isang pilyo, mapang-asar, at hindi lang basta guwapo kundi sobra-sobrang guwapo at napakayaman. Isang lalaking kabaligtaran ng lahat ng iniiwasan niya.
Sa kabila ng kanyang mga ngiti at matatamis na salita, takot si Charity. Takot maniwala. Takot umasa. Dahil paano kung ang mga pangako nito ay tulad lamang ng dati-maganda sa simula, ngunit wasak sa dulo?
Bibigyan niya kaya ng pagkakataon si Khalid na makapasok sa kanyang buhay?
O pipiliin niyang manatiling ligtas sa likod ng mga pader na itinayo ng luha at sakit?
Minsan, ang pinakamahirap na desisyon
ay ang muling magtiwala-kahit nanginginig ang puso.