Magandang Araw. Narito na ang aking pangalawang libro sa wattpad. Alam niyo ba kung gaano kalaki ang mga sakripisyo ng mga Guro niyo para sa mga sarili niyo? Narito at ikekwento ko: Alam nating lahat na isang araw isinilang itong bayani na tinatawag nating Guro. Pangalawang magulang sila sa ating paaralan. Tinuruan nila tayong sumulat bumasa, bumilang. Binahagian nila tayo ng mga kaalaman na kailan man ay hindi natin makakalimutan. Ginabayan tayo upang maging mabuting halimbawa. Ano man ang mangyari kanilang napatunayan na nandiyan sila palagi para sa atin. Dito sa ating paaralan, maraming kontribusyon ang kanilang naiambag. Mula pagsulat sa lesson plan, pagsulat sa blackboard, pagsulat sa manila paper hanggang sa pagpapaliwanag nila sa atin ng ating mga aralin. Maraming Salamat sa kanilang pagiging magaling sa itinuturo nilang asignatura. Mga takdang araling aming pinag-aralan, mga balik-aral na aming binalikan, mga proyekto na ginawa. Sa mga memoryang yaon, Guro ko ay hinding hindi na makakalimutan. Kapag dumating ang araw na ikaw ay may iniibig na, mga pinag-aralan mo sa klase ng iyong guro ay aanihin na. Mga paraan na kanilang itinuro ay maisasangkatuparan na. Sila sana ay huwag mong makalimutan. Kayat ngayong tayo'y malaki na, sinimulan nila'y ipagpatuloy. Ang simpleng pag-alaala mo sa kanila sa Teacher's Day at iba pang mga okasyuon ay ikalulugod nilang tunay. Mula umpisa hanggang sa pagtatapos nitong hakbang patungo sa isang masaganang buhay kanya tayong inalalayan. Sa Panginoong Diyos, kami'y nagpapasalamat. Kayo'y nagbigay sa amin ng isang gurong bayaning tunay. Kaya nga't sa paaralan, atin sana silang tulungan. Iwasan na ang pagiging maingay sa klase na kanyang opisina. Iwasan na ang magkalat sa klase na palatandaan nitong kanyang pagiging bayani. Magbalik-aral upang masagot lahat ng ibibigay niyang eksaminasyon. Sa talakayan sa klase, ika'y maging aktibo. Ikaw ay gusto niyang makakwentuhan. MABUHAY ANG MGA GURO!All Rights Reserved