Si Maria Josephina Clara Alba Mercado, ay isang simpleng mag-aaral lamang- teka, sandali! Simple nga ba? Oo, yata- tipikal na estudyante lamang. Masipag lang naman siyang mambwiset, mangulit- este! Masipag siya at napakabait. Hindi makabasag pinggan ang kanyang kadaldalan- ang ibig kong sabihin ay napakatahimik na animo'y kabaligtaran ni Maria Clara- este! Waring si Maria Clara'ng banal na Binibini.
Dala niya palagi ang laruang fart bomb, na kung saan ay ipasasabog sa buong klase- ang ibig kong sabihin ay dala palagi ang kanyang aklat, upang magsabog ng karunungan sa klase.
Ang angkin niyang pamimilosopo ay hindi matatawaran, ang nais ko lang naman sabihin ay ang kanyang pagiging huwaran. Kailanman ay hindi naging laman ng guidance office- maya'tmaya lang naman. Dahil ipinatatawag sa angking kapilyahan- este! Kasipagan.
Iyan si Maria Josephina Clara A. Mercado A.K.A "Maria Clara" A.K.A "Joey" A.K.A "Silver" ang napakaganda, makulay, marumi, mabaho at punung-puno ng kapilyahan niyang buhay ay magbabago. Dahil siya'y papasok sa isang hindi pangkaraniwan na paaralan, at sa kuwentong ito malalantad ang kanyang buong pagkatao. At makikilala niya ang isang binatang hindi pangkaraniwan ang katangian.
Sa isang paaralan na ito, na kung saan ang ilang mga estudyante ay may mga microchip implant sa kanilang mga utak, upang sila'y makontrol ng paaralan at puwersahang magsilbi sa mga mag-aaral na may mataas na antas sa paaralan. May magagawa kaya si Josephina para sa mga kaawa-awang estudyante na ito?
At dito magsisimula ang kuwento ni Maria Josephina Clara A. Mercado, ang itinatago na bunsong kapatid ng Mercado Brother's, at kaisang-isang tagapagmana ni Silver.
-Papel????
Mars Ochoco wishes for nothing but to have her treasured first kiss with her crush, Ezekiel Bautista. Just as she thought her chance finally came, her first kiss was snatched by some random classmate of hers. Can that kiss be voided? Can she confidently say she's just practicing her first real kiss?
***
When ditzy Mars Ochoco got herself rejected by her long-time crush, Ezekiel Bautista, fate brought her heartbroken self to her dashing but arrogant classmate, Mark Villareal. He offers Mars an unconventional deal that she can't seem to refuse: teaching her how to kiss to help her win her crush back. But can Mars really trust a deal where she has nothing to lose but everything to gain?
Disclaimer: This story is in Taglish.
Cover Design by Rayne Mariano