Patuloy pa rin ang pangarap ko na balang araw ay matatanggap din nila ang pagkatao ko... Lahat titiisin ko para sa kanila, para sa pamilya ko at para sa kanya... Tuloy lang ang pagguhit ng tadhana sa tila mala-blankong papel na daigdig na aking ginagalawan... Masaya, magulo, malungkot pero puno ng pagmamahal at pag-asa... Mahirap man, pero gusto kong lampasan... Dahil alam ko na ang pag-ibig ay nasusukat sa taong nagmamahalan... Tungkol ito sa tiwala at sakripisyo... Hindi hadlang ang pera, kapangyarihan, karangyaan, pati na rin ang kasarian... Sa mga matang mapanghusga... Sa mundong puno ng batikos... Sa pag-iisip ng mga tao... Nawa'y ang Sketchbook na ito ang magbukas ng pinto tungo sa mga taong naguguluhan kung ano o sino sila at sa mga taong may mga saradong pag-iisip. Tanging pag-ibig lang ang dahilan at pinagmulan ng lahat... At ito lang din ang magpapainitindi sa lahat.
32 parts