My Twin Brother's Girlfriend Nagsimulang magbago ang ikot ng mundo ni Rohan nang araw na paki-usapan siya ng kanyang kakambal na magpangap na nobyo sa girlfriend nito. Kararating palang niya sa Pilipinas upang panghawakan ang kanilang mga negosyo ay iyon na agad ang binungad sakanya ng kanyang kapatid. Nais na raw ni Rowan na makipaghiwalay sa current girlfriend nito na si Angela. Dahil napakaboring nitong nobya ayon sa kwento ng kakambal niya. Hindi nga lang magawang saktan ni Rowan ang dalaga dahil kahit papaano raw ay may pinagsamahan ang mga ito sa loob ng dalawang taong relasyon. "I don't love her anymore. She's so boring and too plain. Hindi man lang ako makahalik kahit sa kamay niya. Kaya please tulungan mo ko Rohan? Isang buwan lang. Unti-unti mo lang siyang hiwalayan para sakin. Hindi ko kasi siya kayang hiwalayan dahil ayokong makita kung paano siya masaktan sa break up na binabalak ko--" "You're crazy. Ayoko nga" Balewalang tangi ni Rohan sa kanyang identical twin brother na si Rowan. Natatawa lamang siya sa pabor na nais nitong ipagawa sakanya. Marahil magkamukha nga sila sa physical na anyo ngunit magkaiba ang pagkatao nila ng kanyang kapatid. Iniisip niyang madali lang naman ang nais ipagawa sakanya ni Rowan. Uunti-untiin lamang niyang hiwalayan ang nobya nito. Ngunit hindi akalain ni Rohan na mabibihag ni Angela ang kanyang puso at unti-unti siyang napaibig sa dalaga. Para itong isang pinagbabawal na gamot na hindi niya kayang tigilan Imbis na hiwalayan ito ay mas lumalim pa ang relasyon nila sa kanyang pagpapangap. Kung alam lang siguro ng kanyang kapatid kung gaano ito kasarap humalik ay paniguradong hindi nito ipapamigay sakanya ang nobya nito Subalit ng malaman ni Rowan ang namamagitan sakanilang dalawa ni Angela ay nagalit ito ng husto at nais nitong bawiin muli sakanya ang girlfriend nito! Magagawa niya bang ibalik si Angela kay Rowan kung natutunan na niya itong mahalin ng totoo? Lalo na at nabuntis niya pa ito