Graduate ng Caregiver si Isaiah sa Isang kilalang training center, hindi na niya natapos ang kaniyang pag ko-kolehiyo dahil gusto na niyang tumulong sa kaniyang Ina na single parent. may dalawa siyang kapatid na nakakabatang babae. kinuha siyang caregiver ng mayamang mag asawa na sina Mr. Ace Clinton at Madam Katherine Clinton sa kanilang anak na 2 or 3 years old na lalaki. ang akala ni Isaiah ay magiging maayos ang trato ng mag asawa sa kaniya. ngunit hindi, simula noong pumasok siyang caregiver sa pamilyang iyon. naging miserable ang buhay niya, ilang beses siyang ginagahasa ni Mr. Ace Clinton. hanggang sa nagbunga iyon at nabuntis si Isaiah. nung malaman ito ng asawa ni Mr. Ace Clinton na si Madam Katherine Clinton ay sobra ang Galit niya kay Isaiah, nais niya itong patayin. dahil inisip niya ay inaagaw ni Isaiah ang napakagwapo niyang mister sa kaniya kapag nakatalikod siya. nais na umuwi ni Isaiah ng pilipinas ngunit hindi niya magawa dahil hawak ni Madam Katherine Clinton ang kaniyang passport, kaya nag desisyon siyang tumakas sa mansion na iyon. kinukulong siya ng kaniyang amo na babae sa bodega at pinagsasamantalahan naman siya ng paulit-ulit ng amo niyang lalaki kahit nabuntis na siya nito. nagpagala-gala si Isaiah sa tabing kalsada at para siyang nabaliw at na trauma dahil sa sinapit niya sa mag asawang iyon. ngunit makikilala niya si Mr. Edward Anderson Isang Mayaman at kilalang makapangyarihang Negosyante sa buong USA. tutulungan siya nito makapaghiganti sa mag asawang sumira ng kaniyang buhay. Magpaparetoke ng buong katawan si Isaiah at magiging Isang ganap na babae para makapghiganti sa mag-asawang Clinton. Babaguhin niya ang kaniyang totoong pangalan sa pangalang Scarlet. Makakapaghiganti ba ng maayos at matagumpay si Isaiah? ang pagtulong ba ni Mr. Edward sa kaniya ay may kapalit o kondisyon o mauuwi ito sa pagmamahalan nilang dalawa sa huli?