Marisse believes that happy is the person who patiently waits. Na sa bawat pagsubok at problema, darating at darating pa rin ang araw na masasabi mo sa sarili mong worth it ang paghihintay mo. Sa lahat ng pagsubok na dinanas niya at sa pagkakaroon niya ng hearing disability, hindi niya akalaing malalampasan niya agad ang mga problemang iyon. Noong una ay gustong-gusto na niyang sumuko na lang para matapos na ang paghihirap niya at nang pamilya niya. Hindi niya akalaing makakayanan niya ang mga pagsubok na dumating sa buhay niya. Pero dahil din sa pinagdaanan niya, nakilala niya si Frank. Isang mabait, gentleman, at misteryosong lalaki. Nakahanap siya ng isang taong handang intindihin at tanggapin ang kalagayan niya. Isa din ito sa naging dahilan para lumakas ang loob niya at maka-ahon muli mula sa pagkakalugmok niya. Dahil din sa kabutihang ipinapakita nito, hindi maiwasan ni Marisse na mahulog ang loob dito. Pero dumating sa punto na bigla na lang itong hindi nagparamdam sa kanya, kung kailang nasasanay na siya dito. Hindi niya alam kung paano ipagpapatuloy ang buhay at mga araw niya, nang wala na ang presensiya nito. Subalit mapaglaro talaga ang tadhana, makalipas ang ilang taon at tuluyan na siyang nakaka-move on sa buhay niya ay muling pinagtagpo ang mga landas nilang dalawa. Matanggap kaya ni Marisse ang dahilan ni Frank nang hindi nito pagpaparamdam sa kanya? Magkaroon pa kaya sila ng second chance? O tuluyan nang babalewalain ni Marisse ang mga pangako ni Frank at ipagpapatuloy ang buhay ng hindi na ito kasama?All Rights Reserved