Pano kung yung inanakala mong para sayo ay hindi pala sya? ang masakit pa don binigay mo na sa kanya yung lahat at wala ng tinira para sa sarili pero hindi pala sya masaya sayo. Anong mararamdaman mo?
May times na akala mo yung taong palaging nasa tabi mo ay palaging nandyan maghihintay lang sayo. Pero masakit din di ba at nakakapanghinayang kung isang araw bigla nalang siyang bumitaw sa'yo at makahanap ng ibang taong mamahalin?
Hindi ka ba magsisisi kung ang taong tunay na nagmahal sayo ay pinalagpas mo lang?