"Lahat tayo may kanya kanyang pangarap, nagkakaiba-iba nalang kung pano natin 'yon tinutupad." Okay, for the nth time binanggit nanaman ni ma'am ang tagline nyang yan. And as usual yun at yun padin naman ang pangarap natin diba? Ang makatapos ng pagaaral, makapagtrabaho sa malaking kumpanya, makatulong sa pamilya at syempre di mawawala ang makahanap ng maganda, pogi, mayaman, matalino, mabait, masipag, loyal, walang bisyong matatawag nating si FOREVER! Haha. Ano ba tong naiisip ko? Bukod sa wala naman talagang forever, wala ding taong ganyan kaperpekto! Ano to? wattpad? Laaaayf.
Meron ba talagang FOREVER? May pagpapabago ba sa pananaw ng isang babaeng naniniwalang walang "Happy Ever After"? o Mapapatunayan niya talaga na FOREVER ay para lang sa mga taong utouto?