Hi! Ako si Marlon. Taong 1997, bente singko anyos ako noon empleyado ako sa isang malaking Telecommunications Company. Wala ako'ng ibang inatupag kun'di trabaho, bahay, trabaho at kaunting paglalaro ng Donkey Kong. (kung hindi ka pamilyar sa larong ito, maari mo'ng itanong mo sa nanay at tatay mo) Palagi akong inaasar ng mga katrabaho ko dahil wala akong girlfriend o nililigawan man lang, kung ako ang tatanungin kung bakit, hindi ko 'din alam. Siguro ay matagal ng hindi sumagi sa isip ko ang bagay na iyon. "Pre, tumatanda ka na, ano? wala ka pa bang balak humanap ng babaeng magpapaligay sa iyo?" tanong ng kaibigan kong si John Lerry, Napaisip ako sa tanong na iyon ni John Lerry, dahil na rin siguro sa labis na pasinasyon ko sa teknolohiya kaya hindi ko naisp ang bagay na iyon sa matagal na panahon. "Hindi na lang siguro, mag aalaga nalang ako ng aso" sagot ko sa kanya. Tanggap ko na maari akong mabuhay ng magisa sa aking pagtanda, ngunit nag iba ang ihip ng hangin ng marinig ko boses niya, ang boses ni Alice.